(Sardinas nagmahal, tinapay bumaba) BAGONG SRP NG DTI

loaf and sardine

Mula sa pahina 1

Sa pamamagitan ng kanilang Consumer Protection Group (CPG), nagkaroon ng sunod-sunod na konsultas­yon at miting ang ahensiya sa manufacturers ng pangunahing bilihin ang pangangailangan para pag-usapan ang kanilang presyo bilang paghahanda sa pagre-release ng nasabing listahan.

“The DTI is pleased to announce that all basic and prime goods in the SRP Bulletin are retaining their current SRPs at least until the first quarter of 2019, with the exception of a few brands of canned sardines and one corned beef that will have adjustments in their prices. There are also several brands of bread and one milk brand that initiated to decrease their prices as part of the manufacturers´ social contribution to the consumers this holiday season despite not being included in the SRP list,” pahayag ni Trade Secretary Ramon M. Lopez.

Ibabalik ng Gardenia Bread ang kanilang presyo noong nakaraang Oktubre na P46.75 at P62.00 para sa  Gardenia Loaf Bread na 400g at 600g, ayon sa pagkakasunod. Nagbaba rin ang Gardenia Pandesal ng kanilang presyo ng P1.00 mula sa P37.00 hanggang  P36.00 bawat pakete. Ang isa pang gumagawa ng tinapay na Marby, ay nagbebenta ng kanilang Super Loaf Bread na 600g at Wheat Bread sa promotional prices na P58.00 at P61.50, ayon din sa pagkakasunod, na P5.50 at P10.00 na mas mababa sa kanilang regular na presyo. Ang promo na ito ay tatagal hanggang Abril 30, 2019. Para sa gatas, ang Alaska Fortified Milk Drink na 80g ay ibebenta sa presyong may diskuwento na P29.00 hanggang sa katapusan ng taon. Ito ay mababa ng P0.50 sa kanilang regular na presyo.

Ang pagtaas ng presyo sa ilang brand ng delatang sardinas ay nasa P0.40 hanggang P0.85 lamang. Ito ay maiuugnay sa mataas na pagkuha ng herring fish (tamban) na kasalukuyang nasa P32.00 bawat kilo. Para matugunan ang isyu, ang mga prodyuser ng delatang sardinas ay nagbigay ng suhestiyon sa gobyerno na mag-set ng SRP para sa tamban para maibaba ang  gastos hanggang sa bumaba ang retail price ng canned sardines sa merkado. Nagtakda rin ang ahensiya na makipagmiting sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para pag-aralan ang panukalang ito para sa posib­leng konsiderasyon.

Isang brand ng corned beef ang nagtaas ng presyo dahil sa tumataas na presyo ng beef forequarter, isang pa­ngunahing material ng naturang produkto.

“Our consumers can rest assured that these increases are in their absolute minimum, as DTI continues to negotiate with the manufacturers to ensure that prices of basic and prime goods remain to be reasonable while businesses maintain a fair return on their investment”, ayon kay Undersecretary Ruth Castelo ng Consumer Protection Group.

Natutuwa naman ang DTI sa pagsisikap ng  manufacturers para panatilihin ang pagiging resonable ng presyo ng pangunahing pangangailangan at bilihin para sa mga konsyumer at lalong pinapurihan ang mga nagpasimula sa mababang presyo kahit na ang kanilang prudukto ay hindi kasali sa SRP Bulletin.

PAGBABA NG PRESYO INAASAHAN

Sa mga nagdaang pagbabago sa ekonomiya na nakaapekto sa presyo ng mga bilihin, nakikita ng  DTI ang patuloy na pagbaba ng SRPs sa unang tatlong buwan ng taong darating. Bumaba ang presyo ng langis sa Dubai ng  14% mula sa average na USD 79 bawat bariles noong Oktubre pababa sa USD 68 bawat bariles noong Nob­yembre. Nakikita rin ang pagbagsak ng pres­yo ng langis sa mababang USD 60 bawat bariles sa 2019, na indikasyon ng pagbaba ng trend ng langis sa pandaigdigang merkado. Sa kabilang banda, ang  Philippine Peso, ay mananatiling malakas laban sa dolyar na ngayon ay nasa 52-peso range mula sa P54 noong Setyembre.

Nakikita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)  na mananatili ang inflation para sa Nobyembre 2019 sa loob ng 5.8 hanggang 6.6 porsiyento na maiuugnay sa pagbulusok ng presyo ng petrolyo, normalization ng kondisyon ng supply sa bigay at iba pang agricultural commodities, at ang pagtaas ng piso. Nanatili rin ang presyo ng mga gamit para sa pangunahing pa­ngangailangan  tulad ng tin at harina sa pandaigdigang merkado.

Sa tanong kung bakit ang pagbaba ng presyo sa pa­ngunahing bilihin ay mararamdaman sa unang bahagi ng taong papasok at hindi ngayong Disyembre, ipinaliwanag ni Secretary Lopez, “Current stocks of manufactured basic and prime goods in the market were produced during the third quarter of this year when inflation, fuel price, foreign exchange rate, and other factors surged. As these began to decline in the last quarter of this year, we can expect that goods produced in this period using cost components that are acquired at lower prices will be distributed in the market early next year.”

Patuloy na nagmo-monitor ang DTI sa presyo ng mga bilihin at ng kanilang raw materials, at ang pagbabago sa pandaigdigang merkado para masiguro na ang presyo ng pangunahing bilihin ay mapa-natili sa reasonable levels para sa konsyumer. Ang manufacturers ay nabigyan din ng impormasyon ng ahensiya na ang kanilang SRPs ay muling rerepasuhin para masiguro na ang pagbaba ng presyo ng langis at mga materyales, pagtaas ng piso, at iba pang contributing factors ay makikita sa presyo ng ka-nilang produkto.

Comments are closed.