PATULOY ang dinadalang bigat sa hanapbuhay ng sardine canners sa Zamboanga City dahil sa problema sa power supply sa lugar na tinatawag na country’s sardine capital, ang pangunahing pang-ulam ng mga ordinaryong sambahayan ng bansa.
Dahil sa unscheduled brownouts na tumatagal ng tatlong oras, nakaapekto ito sa paghinto ng produksiyon ng sardinas ng halos 30 porsiyento, ayon sa industry sources.
Ayon sa isang may-ari ng isa sa pinakamalaking canning plants ng siyudad, bumababa na rin ang supply ng tin cans ng ilang grupo ng kanilang kompanya na resulta ng patuloy na problema sa brownout.
Naging problema ang koryente sa dulo ng Zamboanga Peninsula mula nang tumigil sa pagsu-supply ang Western Mindanao Power Corporation (WMPC) sa Zamboanga City Electric Cooperative (ZAMCELCO) noong Pebrero 4 matapos na hindi makabayad ang kooperatiba ng kanilang utang mula pa noong Oktubre 2018.
Ayon sa WMPC, tumangging magbayad ang electric cooperative ng kanilang bill na nagkakahalaga ng PHP467 million kaya napilitang itigil ang kanilang operasyon matapos na pumalit ang Crown Desco sa pamamahala ng kooperatiba.
Sa pormal na pagpalit ng Crown Desco nitong Enero ngayong taon, tumanggi na itong magbayad ng overdue accounts ng kooperatiba sa kabila ng paulit-ulit na demand mula sa WMPC.
Sa kabila ng pagsisikap ng local government officials para maresolba ang problema, ang ZAMCELCO, na sa pamumuno ng Crown Desco ay nanatiling alanganin sa pagbabayad ng kanilang obligasyon dahil umano sa overcharging ng WMPC.
“Sardine canning plants, including tin can manufacturers and storage plants have been using backup generator sets to continue operating,” pahayag ng isang industry source na humiling na huwag banggitin ang kanyang pangalan.
Nagresulta aniya ito sa dagdag ng kanilang konsumo sa koryente.
“We are incurring up to PHP4 million in fuel costs every month to run in full capacity,” pahayag pa ng source.
Sinabi pa rin ng source na ang kanilang grupo ng kompanya na kasama ang isa pang canning plant at storage facility, ay nangangailangan ng kahit 4 megawatts ng power supply.
“Without ample power supply, we will have to run our diesel generators which consume about 3,600 liters a day,” paliwanag niya.
Dagdag pa nito, na ang kanilang electricity bill ay tumatakbo sa PHP10 million bawat buwan, kahit walang problema sa power supply.
Tumanggi siyang kuwentahin ang mga nalugi na resulta ng patuloy na recurring power interruptions pero sinabi niyang ang problema ang nagresulta na rin sa dagdag-presyo ng sardinas sa local market dahil sa pagbaba ng supply.
Ang Zamboanga ay may 11 sardine canning plants kaya ito ay naging sardine capital ng bansa.
Ayon pa sa industry sources, ang combined capacities ng mga canning plant na ito ay puwedeng umabot sa 1.5 million karton buwan-buwan.
“That is equivalent to 150 million cans of sardines a month,” sabi ng source at dagdag pa rito ay ang canning industry ay nagkakahalaga ng PHP1.5 bilyon bawat taon.
Hindi kasali rito ang ancillary products at businesses.
Sinabi pa ng source na sila ay naguguluhan sa pagitan ng kanilang desisyon na babaan ang produksiyon na nangangahulugan ng pagbagsak ng productivity, at ang pag-absorb ng mas malaking gastos dahil sa mataas na gamit ng koryente.
Ang sardine canning plants at iba pang industrial companies sa baybayin ng coastal village ng Talisayan lamang ang nangangailangan na ng kahit 50 megawatts na pinagsama.
Ang franchise area ng ZAMCELCO ay may pinakamataas na demand na 120 megawatts pero nakakukuha lamang ng peak supply na 80 hanggang 90 megawatts na nagreresulta sa power interruptions mula nang putulin ng WMPC shut ang kanilang 105-MW bunker fuel-fired plant dahil sa kakulan-gan sa supply ng bunker fuel.
Ang WMPC ay may existing at live contract sa ZAMCELCO para sa 50-megawatt power supply. PNA
Comments are closed.