SARI-SARI STORE OWNER PATAY SA RIDING IN TANDEM

riding in tandem

CALOOCAN CITY – TODAS ang isang 62-anyos na sari-sari store owner matapos barilin ng isa sa hindi kilalang riding in tandem criminals sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat, dakong alas-2 ng hapon, abala ang biktimang si Jaime Tamayo sa kanyang tindahan sa Upper Little Baguio St., Miramonte Heights, Brgy. 180 nang dumating ang dalawang lalaki na nakasuot ng face masks at helmets habang magkaangkas sa isang motorsiklo.

Isa sa mga suspek na nakasuot ng itim na jacket ang bumaba at walang sabi-sabing pinaputukan sa ulo ang biktima na nagresulta ng agaran nitong kamatayan, habang mabilis namang tumakas ang mga salarin sa hindi matukoy na direksiyon matapos ang insidente.

Patuloy naman ang follow-up operation ng mga tauhan ng Ca­loocan Police Community (PCP)-4 sa pangu­nguna ni P/Maj. Rommel Ebarle para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa pagpatay sa biktima. EVELYN GARCIA

Comments are closed.