MAPIPILITAN ang mga sari-sari store owner na isara ang kanilang negosyo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Anila, sa pagpapataw ng mga bagong buwis ngayong taon at sa pagsipa ng inflation ay lalo silang nahirapang maka-survive, kung saan bumaba umano ang kanilang benta ng hanggang 50 percent.
Ayon kay Rizalina ng Taguig City, dati siyang kumikita ng P5,000 araw-araw sa kanyang sari-sari store. Gayunman, sa pagsirit ng presyo ng mga bilihin sa mga nakalipas na buwan ay bumaba ang kanyang benta sa average na P2,500.
Noong Biyernes ay iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagsipa pa ng inflation sa 6.7 percent noong Setyembre. Isinisi ng mga economic manager ng bansa ang pagbilis ng inflation rate sa supply disruptions na dulot ng pananalasa ng bagyong Ompong.
Sa datos ng PSA, ang September inflation ay mas mataas ng 0.3 percent sa 6.4 percent na naitala noong Agosto, at mas mataas ng 3.7 percent sa 3 percent na naiposte sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. Dahil dito ay naitala ang average inflation sa 5 percent, malayo sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 2 percent hanggang 4 percent.
“Before, my total daily sales are about P5,000 at the average, [but] now my sales are much slower [that] I only earn about P2,500 per day. Almost half of my sales are already lost,” hinaing ni Rizalina.
Sa isang statement, sinabi ng Philippine Association of Stores and Carinderia Owners (Pasco) na ilan sa kanilang mga miyembro ang nanganganib na isara ang kanilang mga negosyo.
“In the past few weeks, we have seen price increases of commodities, including the items we sell at our small stores because of the impact of the TRAIN law. Now, this continuing inflation rate hike is racking up the prices of goods even higher [that] this might cause our micro-retail businesses to shut down,” wika ni Victoria Aguinaldo, presidente ng Pasco.
Ayon sa Pasco, ang pagtaas ng presyo ay may malaking epekto sa consumption. ELIJAH ROSALES
Comments are closed.