SARILING NBA TEAM SA LAS VEGAS TARGET NI LEBRON

NAIS ni Los Angeles Lakers star LeBron James na magkaroon ng sariling NBA team sa Las Vegas.

Si James ay idineklara kamakailan ng Forbes magazine bilang unang active player ng NBA na nagkakahalaga ng $1 billion

Ang 37-year-old playmaker ay nakita sa isang social media video clip ng kanyang talk show na “The Shop” na nagpapahayag ng kanyang bagong misyon.

“I want to own a team,” sabi ni James. “I want to buy a team, for sure.

“I want a team in Vegas. I want the team in Vegas.”

Ang Las Vegas ay madalas na nababanggit bilang prime spot para sa isang expansion club kasama ang Seattle, bagaman sinabi ni NBA commissioner Adam Silver na walang kagyat na plano para dagdagan ang 30 teams.

Si James, isang four-time NBA champion at four-time NBA Most Valuable Player, ay nagmamay-ari ng SpringHill Company, isang entertainment development at production firm na gumawa ng “Space Jam: A New Legacy” — isang pelikula na ipinalabas noong nakaraang taon na pinagbidahan ni James.

Part owner din siya ng Fenway Sports Group, na nagmamay-ari sa MLB’s Boston Red Sox, English Premier League football side Liverpool at sa NHL’s Pittsburgh Penguins.