TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na 92 porsiyento na ng mga teaching at non-teaching personnel na sasabak sa face to face classes ngayong Lunes ang kumpleto na sa primary vaccine series laban sa COVID-19 virus.
Gayompaman, sinabi ni Atty. Michael Poa tagapagsalita ng DepEd, ipatutupad pa rin ang “No Discrimination Policy” sa mga eskuwelahan at papahintulutan ang mga guro at estudyante sa face-to-face classes kahit ano pa umano ang vaccination status ng mga ito.
Sa datos ng kagawaran ay 90 porsiyento ng mga teaching at non-teaching personnel ang fully vaccinated.
Bukod dito, kukuha rin ng data ang DepEd kung ilan sa mga Ito ang may booster doses.
Samantala, una nang inanunsiyo ni DepEd Usec. Atty. Revsee Edcobedo na pwedeng makapagturo sa face-to-face classes ang mga guro na hindi bakunado. Elma Morales