(Sasabak sa World Youth Olympics) WUSHU ATHLETES SASALAIN

Wushu

MAGSASAGAWA ang Wushu Federation of the Philippines (WFP) ng malawakang  elimination series para piliin ang apat na atleta na kakatawan sa Filipinas sa World Youth Olympics.

Sa eksklusibong panayam ng PILIPINO Mirror, sinabi ni wushu official Samson Co na susuriin nilang mabuti ang kakayahan at credentials ng mga atleta na kanilang ipadadala sa prestihiyosong torneo.

Ang World Youth Olympics ay counterpart ng Olympic Games na nakatakdang ganapin sa Tokyo, Japan sa Agosto ng taong kasalukuyan.

Hindi pa masabi ni Co, da­ting world wushu champion, kung saan idaraos ang nasabing torneo.

“Wala akong idea kung saang bansa gagawin dahil magpupulong pa ang organizing committee,” aniya.

Ayon kay Co, dalawang lalaki at dalawang babae ang kanilang ipadadala  para lumaban sa Taolou, sa suporta ng Philippine Sports Commission (PSC) na  pinamumunuan ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez at ng Philippine Olympic Committee (POC), sa pangunguna ni Cavite Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

“Taolou ang kasama sa calendar of sports tampok ang mga atleta na may edad 18 years old pababa. We have good chances of winning  medals if sanda is included,” wika ni Co.

Pansamantalang nag-oopisina ang wushu sa Sta. Cruz. Manila dahil ang Philippine Centre for Sports Medicine ay kasalukuyang inaayos, kasama ang iba pang pasilidad ng Rizal Memorial Sports Complex.

Bukod sa World Youth Olympics, pinaghahandaan din ng mga Pinoy ang 2021 Southeast Asian Games na gagawin sa Vietnam.

“Of course, World Youth Olympics is our top priority because the tournament is very prestigious like the Olympic Games. We also give enough attention and concern to SEA Games to help contribute to the medal campaign of the Philippines like we did in the past,” pahayag ni Co.

Sinabi ni Co lalahok ang kanilang mga atleta sa high-level international competitions bilang paghahanda sa SEA Games.

“We already lined up the tournaments we will compete overseas as part of our preparation for the SEA Games. Our ultimate goal is to win more medals to surpass the medals we got in the last SEA Games in Manila,” dagdag pa ni Co.

Nanalo ang wushu ng pitong ginto, dalawang pilak at dalawang tanso sa 30th SEA Games na pinagharian ng Filipinas sa paghakot ng 149-117-122 me­dals. CLYDE MARIANO

Comments are closed.