SASAKYAN NAHULOG SA BANGIN: 9 BRGY WORKERS SUGATAN

KALINGA-NAGTAMO ng malulubhang pinsala sa katawan ang siyam na barangay workers matapos bumulusok ang kanilang sinasakyan Strada pick-up van sa bangin sa Sitio Ileb, Barangay Nambaran, Tabuk City sa lalawigang ito nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng Tabuk City Police Station (TCPS) ang mga biktima na sina Jayvee David Mangada, 22-anyos, driver; Santos Macasaddog, senior citizen; Analiza Macasaddog, 30-anyos, isang BHW; Theresita Casibang, Lupong Tagapamayapa; Mayla Tagacay, BNS; Monaliza Ramilloza, 30-anyos, BHW; Xymon Macasaddog, siyam-na-taong buwan; Rica May Macasaddog, 23-anyos at Biado Pablito, nahat ng Barangay San Francisco, Rizal, Kalinga.

Sa ulat ng TCPS, ayon sa Provincial Disaster Rick Reduction Management Office-Kalinga (PDRRMO-Kalinga), pauwi ang mga biktima galing umano sa isang gathering sa Iloda Resort sa nasabing lalawigan.

Habang binabaybay ang kalsaba ng Barangay Ileb, aksidenteng may nahulog na malaking tipak na bato at tinamaaan ang sasakyan ng mga biktima.

Dahil dito, hindi nakontrol ni Mangada ang mani­bela at nahulog ito ilang metrong lalim ng bangin.

Agad namang nagresponde ang mga rescue team ng Kalinga at masuwerteng walang namatay sa mga biktima.

Daglian namang isinugod ng mga awtoridad ang mga biktima sa pinakamalapit na pagamutan .
EVELYN GARCIA