SASAKYAN NI MAYOR NINAKAWAN

LUCBAN MAYOR DATOR

QUEZON – ARESTADO ang isang lalaki at kasama nitong menor matapos pagnakawan ang sasakyan ni Lucban Mayor Oliver Dator sa Regidor Street, Brgy. 8, alas-7:00 ng gabi.

Kinilala ng Lucban PNP ang mga inaresto na sina Christian Pavino, 22-anyos, ng Brgy. Palola at ang kasama nito na itinago ang ­pangalan dahil menor.

Base sa report ng pulisya, nasa loob ng isang restaurant ang mayor kasama ang kanyang maybahay  nang wasakin ng dalawa ang lock ng kaliwang bintana ng kanilang van.

Natangay ng mga magnanakaw ang isang iPhone 6 plus na nagkakahalaga ng P30,000, isa pang cellphone na nagkakahalaga naman ng P7,000 at iba’t ibang uri ng ID’s at ATMcards na nakalagay sa isang kulay gray na body bag.

Dahil nakunan ng CCTV ang insidente ng nakawan sa follow-up police operation ay agad nakilala at natunton ang dala-wang suspek na nagresulta ng pagkakaaresto sa mga ito at nabawi rin ang kanilang mga ninakaw.   BONG RIVERA

Comments are closed.