(Sasakyang kinarnap isinanla saka nagpakalbo) KILLER NG LADY GRAB DRIVER TIMBOG SA PASIG CITY

grad driver

RIZAL – BIGONG makapagliwaliw ang lalaking pumatay at nagnakaw ng sasakyan mula sa isang babaeng Grab driver nang maaresto ito sa Pasig City nang sundan ito mula Lucena, Quezon kung saan natagpuan ang kanyang isinanlang carnapped vehicle.

Ayon kay Col. Alvin Consolaction, hepe ng Cainta Police, una nilang natunton ang sasakyan ng biktimang si Maria Cristina Palanca sa Lucena at mula roon ay natunton nila ang suspek na si Paolo Largado.

Sinundan nila ito hanggang Pasig City kung saan katatagpuin ang nobya sa isang condominium. Nakuha ng pulisya kay Largado ang sachet ng droga mula sa wallet nito.

Inaresto nila si Largado at umaming kanyang napatay si Palanca dahil tinangka siyang barilin.

Sa kanyang salaysay, katransaksyon niya sa droga si Palanca at natakot siya sa pagsulpot sa kanyang condominium unit sa Cainta na tinangka aniya siyang barilin subalit naagaw niya ang armas saka binaril.

Magugunitang makaraan ang tatlong araw na pagkawala ay natagpuan ang labi ni Palanca sa ilalim ng lababo ng condo unit ni Largado.

Huling nakitang buhay si Palanca, batay sa closed circuit television (CCTV) ng condo, na bumaba ito ng kanyang sasakyan at pumanik sa unit ni Largado.

Makalipas ang isang oras, batay pa rin sa video footage ng CCTV, umalis mag-isa si Largado dala ang sasakyan ni Palanca.

Itinanggi naman ng kaanak ni Palanca ang alegasyong aatakehin ng biktima si Largado gayundin ang pagkakaroon ng baril ang lady Grab driver dahil isa aniyang diabetic ito at katunayan ay namamaga ang paa nito. EUNICE C.

Comments are closed.