SASAKYANG PANG-TNVS, TINUKOY NG DOTr

tnvs hatchback

TINUKOY na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga sasakyang dapat tanggapin at gawing legal na transport network vehicle service (TNVS) gaya ng hatchback, sedan, wagon, sports utility vehicle (SUV), van, multi-purpose van (MVU) o similar vehicles.

Ayon kay Atty. Ariel Inton jr., founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) at legal counsel ng TNVS at hatchback community malinaw sa Department Order 2019-013 na inisyu at pirmado ni DOTr Secretary Arthur Tugade, tinuldukan nito ang lahat ng controversy sa isyu ng TNVS at hatchback.

Kasunod nito, taos pusong nagpasalamat ang transport at commuter group sa DOTr sa mabilis na pagresobla sa isyu ng TNVS at Hatchback community.

Napag-alamang sa naturang DO 2019-013 inuutusan nito ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na iproseso ang mga papeles upang gawing TNVS.

Ayon pa sa kautusan ni Tugade, dapat na ipatupad agad ang DO 2019-013 at higit sa lahat sa ilalim ng utos ni President Rodrigo Duterte dapat bilisan ng LTFRB ang processing procedures ng mga documentations para sa legal ng mga franchises at provisional authority o (PA) ng mga TNVS at Hatchback community applicants.

Ayon kay Inton tama lamang ang ginawa ni Tugade na pumapabor sa halos 40,000 TNVS at Hatchback community at mga pamilya nito na halos buwan din ang hinintay.

Aniya ngayon ay maluwag ng nakakahinga ang mga TNVS, Hatchback Community at mga pamilya ng mga ito na tiyak ng tatanggapin ng LTFRB ang kanilang mga applications at naway mabilis na ma proseso upang makapag-operate agad.    BENEDICT ABAYGAR, JR.