MAY MALAKIHANG pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo na inaasahan sa pagpasok ng Agosto.
Ayon sa industry sources, ang presyo ng diesel ay posibleng tumaas ng P3.20 hanggang P3.50 kada litro, habang sa gasolina ay nasa P1.90 hanggang P2.10 kada litro ang inaasahang taas-presyo.
Samantala, ang presyo ng kerosene ay maaaring tumaas ng P2.90 hanggang P3.20 kada litro.
Noong nakaraang Martes, Hulyo 25, ang presyo ng gasolina ay tumaas ng P1.35 kada litro, diesel ng P0.45, at kerosene ng P0.35 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Ayon sa mga eksperto, ang price increase ay dahil pa rin sa pagbabawas ng oil production ng Russia at Saudi Arabia.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Hulyo 25, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P8.90 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P0.40 kada litro at kerosene ng P3.35 kada litro.