SIMULA ngayong Linggo, Agosto 1, ay magmamahal ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).
Ayon sa LPG Dealers Association, ang presyo ng LPG ay tataas ng P2/kg o P22 kada tangke.
Posible umanong umabot ang pagtaas hanggang sa Disyembre habang lumalaki ang demand sa ibang bansa sa paglamig ng panahon.
Napag-alaman na imported ang 70 percent ng kinokonsumong LPG sa bansa kaya apektado ito sa bawat paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.
Sa datos, ngayong 2021 ay mahigit P8 na ang itinaas ng presyo ng LPG.
467689 517694An very interesting examine, I may well not agree completely, but you do make some quite legitimate factors. 335865