(Sasalubong sa Disyembre) BIGTIME ROLLBACK SA LPG

lpg

INAASAHAN ang isang “bigtime” rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) sa pagpasok ng Disyembre.

Nauna nang nag-abiso rito ang kompanyang Eastern Petroleum, na nagsabing ipatutupad ang kanilang rollback sa Sabado, Disyembre 1.

Anila, hindi bababa sa P5 kada kilo ang maaari nilang itapyas o P55 sa isang 11-kilong tangke.

Maaari pa raw itong  madagdagan depende sa takbo ng trading.

Wala pang anunsiyo ang ibang kompanya ng langis.