MAY inaasahang taas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG), gayundin sa gasolina, sa pagpasok ng Nobyembre.
Sa pagtaya ni Regasco president Arnel Ty, nasa P1.50 kada kilo ang idaragdag sa presyo ng standard 11-kg na tangke ng LPG.
Mas mababa ito sa mahigit P7 kada kilo na taas-presyo na ipinatupad ngayong buwan.
Nagbabadya naman ang rolbak sa diesel at kerosene matapos ang 9 na sunod-sunod na linggong pagtaas.
Base sa unang apat na araw na trading, bumaba ng P0.33 kada litro ang presyo ng diesel, at P0.26 kada litro sa kerosene.
Subalit umakyat na ng P1.28 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Sa kasalukuyan ay nasa P20.80 kada litro na ang kabuuang itinaas ng presyo ng gasolina, P18.45 kada litro sa diesel, at P16.04 kada litro ang idinagdag sa presyo ng kerosene.