(Sasalubong sa Oktubre) BIG-TIME LPG PRICE HIKE 

MAY malaking pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) na inaasahan sa Biyernes, Oktubre 1.

Nasa P5 hanggang P6 ang tinatayang magiging dagdag-presyo sa kada kilo ng LPG o P55 hanggang P66 sa kada regular na tangke.

Sa kasalukuyan ay nasa $108 ang itinaas ng international contract price ng LPG, na pinakamataas sa loob ng limang taon.

“It’s really bad news but wala tayong control kasi imported ‘yan,” ayon kay Arnel Ty, presidente ng Regasco na nagbebenta ng LPG.

Aniya, posibleng sa Marso ng susunod na taon pa humupa ang presyo ng imported na LPG.

Inaasahang pupulungin ng Department of Energy (DOE) ang mga LPG manufacturer para hilingin kung maaaring hati-hatiin ang taas-presyo para hindi mahirapan ang mga consumer.

7 thoughts on “(Sasalubong sa Oktubre) BIG-TIME LPG PRICE HIKE ”

  1. 474248 153387hi this post aid me full . .in case you want watches males check out my internet sites is very support you for males watches. .thank man excellent job. 562225

Comments are closed.