KASADO na ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa unang araw ng Oktubre.
Ito na ang ikalawang sunod na linggo ng price hike para sa gasolina at diesel, at una sa kerosene.
Sa abiso ng Shell Pilipinas Corp., ang presyo ng gasolina ay tataas ngP0.45, diesel ng P0.90, at kerosene ng P0.30.
Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na wala sila.
Epektibo ang taas-presyo ngayong alas-6 ng umaga para sa Shell, habang ang Cleanfuel ay magtataas ng presyo sa alas-4 ng umaga sa kaparehong araw.
Noong nakaraang Martes, September 24, ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel ay tumaas ng P1.10 at P0.20, ayon sa pagkakasunod.
Hindi naman gumalaw ang presyo ng kerosene.
Ngayong taon, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P5.85 kada litro at diesel ng P1.95 kada litro.
Samantala, bumaba naman ang presyo ng kerosene ng P6.35 kada litro.
LIZA SORIANO