MAKARAAN ang rolbak noong Enero 1, isang big-time price hike naman sa liquefied petroleum gas (LPG) ang inaasahang sasalubong sa Pebrero.
Sa pagtaya ng mga taga-industriya, nasa P9.50 kada kilo ang itataas ng presyo ng cooking gas.
Katumbas ito ng P104.50 na dagdag sa presyo ng regular tank na may bigat na 11 kilos.
Samantala, wala pang pagtaya sa itataas sa presyo ng AutoLPG.
Una nang inamin ng LPG Marketers Association na tataas ang presyo ng LPG sa Pebrero.
Ayon kay LPGMA President Arnel Ty, ang muling pagtaas sa presyo ng LPG ay dahil sa naantalang delivery nito na aabot sa dalawa hanggang tatlong linggong shipment.
EUNICE CELARIO