SASAMA SA KAMPANYA DAPAT BAKUNADO-PALASYO

NAIS tiyakin  ng Malakanyang sa  supporters ng mga kandidato sa 2022 elections na sila ay fully vaccinated na kontra COVID-19.

Ito’y sa harap ng kaliwa’t kanang pag-iikot ng mga kandidato na patuloy na pumupukaw sa atensiyon ng mga supporter na makihalubilo sa nasabing caravan.

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, dapat nakatanggap na ng unang bakuna o nakakumpleto na ang mga nakikilahok sa ganitong aktibidad.

Dagdag ni Nograles, kailangan siguraduhin ng mga nakikilahok sa ganitong klaseng pagtitipon na sila ay protektado at bakunado para hindi na kumalat pa ang virus.

Hinihiling din ni Nograles ang kooperasyon ng mga kinauukulan na obserbahan kung nasusunod ba ang mga ipinatutupad na health protocols sa nasabing political events.