SASAWSAW SA PULITIKA, BI EMPLOYEES SUSUSPINDIHIN

PAPATAWAN ng kaparusahan ng hanggang anim na buwang suspensiyon ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang empleya­do na mapatutuna­yang sumali sa partisan political activities sa darating na halalan.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, ito ay  bilang pagsunod sa kautusan ng Civil Service Commission (CSC) at ng Commission on Elections.

Dagdag pa ni Morente, sa ilalim ng 1987 Philippine Constitution, ang pagsama ng mga kawani ng pamahalaan sa partisan political activity ay mahigpit na ipinagbabawal.

Aniya, dapat  sundin ang tinatawag na Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, bawal din makisali o mag-post sa social media o kaya ay mag-share ng impormasyon  tungkol sa mga kandidato.

Ipinagbabawal din ang pagsusuot ng t-shirts, caps, o paggamit ng ballpen na bigay ng mga tumatakbong kandidato sa darating na halalan 2022. FROILAN MORALLOS

One thought on “SASAWSAW SA PULITIKA, BI EMPLOYEES SUSUSPINDIHIN”

  1. 717753 741300Can I simply say exactly what a relief to get someone who really knows what theyre dealing with on the internet. You in fact know how to bring a difficulty to light and make it essential. The diet ought to see this and fully grasp this side on the story. I cant believe youre not much more common because you undoubtedly hold the gift. 710604

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *