SASO KAMPEON SA U.S. WOMEN’S OPEN

Yuka Saso

UMUKIT ng kasaysayan si top Filipino golfer Yuka Saso makaraang makopo ang US Women’s Open championship Lunes sa Olympic Club sa San Francisco, California.

Tinalo ng 19-anyos na golf sensation si Nasa Hataoka ng Japan sa isang aggregate playoff upang kunin ang titulo.

Ang dalawang Asian golfers ay umiskor ng par sa unang dalawang holes ng playoff na nagpuwersa sa sudden-death match.

Nakabawi si  Saso mula sa dalawang maagang double bogeys sa pamamagitan ng birdies sa 16 at 17 para sa kabuuang 280 sa 72 holes.

Nanguna si Saso sa pagtatapos ng second round noong Sabado kaya nakapaglaro ito sa finals.

Si Saso ang unang Pinoy na nagwagi sa anuman sa limang  major championships ng LPGA Tour at nakakuha ng LPGA tour membership.

Napantayan din niya ang record ni South Korean Park In-bee bilang pinakabatang nagkampeon sa kasaysayan ng US Women’s Open sa edad na 19.

Ilang minuto matapos ang panalo, pinasalamatan niya ang kanyang pamilya at mga sumusuporta sa kanya mula sa Filipinas at Japan.

“To all my friends and fans back in the Philippines and Japan, I am really thankful. I hope I can do better, keep this going,” aniya. CLYDE MARIANO

8 thoughts on “SASO KAMPEON SA U.S. WOMEN’S OPEN”

Comments are closed.