SASO SA YOUTH OLYMPICS

Yuka Saso

DAHIL sa kanyang golden performance sa katatapos na 18th Asian Games sa Indonesia, nakasama si golf sensation Filipino-Japanese Yuka Saso sa Philippine team na sasabak sa Youth Olympics sa Oktubre sa Buenos Aires, Argentina.

Nanalo ang 16-anyos na si Saso sa individual at nakipagsa­nib-puwersa kina Bianca Pagdanganan at Lois Go upang ­angkinin ang team event.

May pitong atleta ang nagkuwalipika na, kasama si Saso, sa Youth Olympics. Ang iba pa ay sina Jan Mari Nayre, Nicole Tagle, Nicole Oliva, Christian Teo, Boy Corpuz at Laerence Tan.

Lalahok si Nayre sa table tennis, si Tagle sa archery, si Oliva sa swimming, si Teo sa kite boarding, si Tan sa fencing at si Corpuz sa golf.

Ayon kay Chief of  Mission Jonne Go, marami pang atleta ang lalahok sa  iba’t ibang qualifying tournaments, at umaasa itong madadagdagan pa ang mga atleta na sasabak sa quadrennial meet na gaganapin sa unang pagkakataon sa Argentina.

“Many of our athletes are currently competing in various qualifying competitions, and I hope many will qualify,” sabi ni Go, presidente ng Philippine Dragon Boat/Canoe Kayak.

Hinirang si taekwondo star at Asian Games veteran Pauline Lopez bilang ambassador sa Youth Olympics.

“It is an honor and privilege for me to serve as Ambassador of World Youth Olympics.  I am grateful to POC president Ricky Vargas for giving me the rare opportunity to serve as ambassador of the Philippine delegation to the prestigious competition,” sabi ni Lopez, 21, ipinanganak sa Los Angeles sa United States at second year psychology student sa Ateneo.

Ito ang pangatlong Asian Games ni Lopez lumaro sa 2010 sa Guangzhou, China at 2014 sa Incheon, South Korea.

Si Lopez ay isang highly accomplished athlete. Nanalo siya ng ginto sa Asian Youth na idinaos sa Nanjing, China at consistent medalist sa South-east Asian Games. Sumabak siya sa tatlong Asian Games – 2010 sa Guangzhou, 2014 sa South Korea at 2018 sa Indonesia. CLYDE MARIANO

Comments are closed.