ISANG araw makaraan ang matikas na 2-under-par performance sa Olympic Club sa San Francisco, umakyat sa solong liderato sa 2021 US Open ang nag-iisang lahok ng Filipinas na si Yuka Saso.
Humataw si Saso ng mainit na 4-under par sa ikalawang araw na may 6 birdies at 2 bogeys lamang, kung saan ang huling dalawang birdies ay nag-mula sa dalawa sa kanyang huling apat na holes upang kunin ang solo lead.
Si Saso ay mayroon na ngayong cumulative score na 6-under par, kung saan naungusan niya si Lee Jeongeun ng Korea ng isang stroke at sina US’s Megha Ganne at Megan Zhang na nasa 4-under.
Ang 19-anyos na si Saso ang nag-iisang teenager na nanguna sa US Open papasok sa third roundmagmula noong 2008, nang magwagi si Inbee Park sa edad na 19.
Sinabi ni Saso na susi sa kanyang solid round ang pagiging matiyaga at pag-e-enjoy sa paglalaro at nagpapasalamat din siya sa ikatlong pagkakataon na sumasabak siya sa US Open. “Stay patient and just be happy with the outcome,” aniya.
Hindi naman nalalayo sa lider ang mga experienced player, kabilang si 10-time LPGA tour winner Shanshan Feng ng China, na nasa fifth place matapos ang dalawang solid rounds.
Tabla naman sina seven-time major winner Park, 11-time LPGA tour winner Lexi Thompson, at overnight co-leader Mel Reid sa 2-under sa sixth place.
Defending champion A Lim Kim, 2014 champion Michelle Wie West, and 2010 champion Paula Creamer were among those who missed the cut.
This week marks the first time that the oldest women’s major has been played at The Olympic Club, a course that has hosted five U.S. Opens. The club did not admit its first female member until 1992.
718264 623204Awesome inkling Grace! ego was luxurious youd bring about this about your biz bump into upstanding lineage. We reason you! 565140
156369 525230I wanted to say Appreciate providing these details, youre doing a great job with the site… 173391