SASO TUMAPOS SA 39TH SA AIG WOMEN’S OPEN

yuka saso

PATULOY ang pagsadsad ni Yuka Saso sa 2021 AIG Wo­men’s Open kung saan tumapos siya na may aggregate score na 288 para tumapos sa ika-39 puwesto, kasama ang dalawang iba pang kalahok.

Pumalo ang FIlipino-Japanese golfer ng three-over 75 sa fourth at final round noong Linggo ng gabi (Manila time) sa Carnoustie Championship Course sa Scotland para masibak sa podium contention.

Maagang gumawa si Saso ng bogeys sa first, third, at ninth holes. Tinapos niya ang front nine sa pamamagitan ng birdies sa four-par second at five-par sixth holes.

Humataw ang 20-year-old ng five pars sa back nine at bumanat ng tatlo pang birdies ngunit isang bogey sa 10th hole ang humila sa kanya pababa mula sa  27th place-output sa penultimate round.

Ito ang ikalawang ‘tough finish’ ni Saso makaraang mainit na simulan ang torneo kung saan nanatili siya sa Top 5 sa unang da­lawang rounds.

Nanguna sa torneo si Anna Nordqvist ng Sweden habang tabla sa ikalawang puwesto sina Georgia Hall ng England, Madelene Sagstrom, at Lisette Salas.

3 thoughts on “SASO TUMAPOS SA 39TH SA AIG WOMEN’S OPEN”

Comments are closed.