SASO UMAKYAT SA NO. 8 SA WORLD RANKING

Yuka Saso

PINALAKAS ni Yuka Saso ang kanyang world ranking makaraang tumapos sa joint ninth place, kasama ang limang iba pang golfers,  sa katatapos na 2020 Tokyo Olympics.

Ang Filipino-Japanese golfer ay no. 8 na ngayon sa Rolex women’s golf rankings, mula sa no. 10, na may kabuuang 200.39 points mula sa 34 events na nilahukan.

Nananatili sa no.1 si Nelly Korda ng USA, ang gold medalist sa Summer Games makaraang bumanat ng 17-under par 267 sa 71-par course.

Tatlong South Korean golfers — Jin Young Ko, In Bee Park, at Sei Young Kim — ang nasa ikalawa, ikatlob at ika-apat na puwesto, ayon sa pagkakasunod-sunod. Nasa no. 5 naman si American bet Danielle Kang.

Si Saso, kampeon sa 2021 US Women’s Open, sy may impresibong run sa Tokyo Games.

Tumapos siya na may kabuuang 274 (-10) sa loob ng apat na rounds.

Tinapos niya ang opening round sa 47th place sa 3-over par habang sa second round ay kumana siya ng 68 upang umangat sa 34th place.

Sa penultimate round ay bumira si Saso ng 4-under par 67 upang lumundag ng 14 puwesto habang sa fourth round ay umangat siya ng 11 puwesto makaraang tumirada ng  65.

Nakatakdang sumabak si Saso sa Women’s Scottish Open sa Huwebes, August 12.

51 thoughts on “SASO UMAKYAT SA NO. 8 SA WORLD RANKING”

Comments are closed.