TUMAPOS si Filipino-Japanese lady golfer Yuka Saso na tabla sa ika-5 puwesto sa Japan LPGA’s Earth Mondahmin Cup sa Camellia Hills Country Club sa Chiba, Japan noong Lunes.
Si Saso, nagwagi ng dalawang gold medals para sa Filipinas sa 2018 Asian Games sa Jakarta, ay kumana ng four-under-par 68 sa rain-delayed tourney upang magtapos na may nine-under-par 279 sa kanyang pro debut.
Nakopo ni hometown bet Ayaka Watanabe ang Earth Mondahmin Cup via sudden-death win laban kay Ai Suzuki.
Sa fifth-place tie ay naibulsa ng 19-year-old ang premyong mahigit sa P4 million.
Mainit ang simula ni Saso na may six-under-66 sa opening round, tampok ang apat na birdies mula sa no. 3 hanggang no. 6 holes subalit nanlamig sa second round na may 74. Nagtala siya ng 71 sa penultimate round upang manatili sa top 10 papasok sa final stage.
Bumanat sina Watanabe at Suzuki ng tig-68 at tabla sa 277 sa pagtatapos ng regulation. Nagwagi si Watanabe sa first hole ng playoff.
Nagtabla sa ikatlong puwesto sina Miki Sakai at Mizuki Tanaka.
Comments are closed.