CAGAYAN DE ORO – NADISKUBRE ng mga tauhan ng Philippine Army ang isang satellite camp ng New People’s Army (NPA) nang abutan nila ang mga tinutugis na rebelde kasunod ng sagupaan na ikinasugat ng isang sundalo sa Barangay Pigsag-an.
Ayon kay Brig. Gen. Edgardo De Leon, commander ng 403rd Infantry Brigade, natanggap nila ang impormasyon mula sa 103rd Brigade na nakasagupa ng mga elemento ng 49th Infantry Battalion ang mga miyembro ng NPA Sub-Regional Committee 5- North Central Mindanao Regional Command (NCMRC) sa Lumba-Bayabao, Lanao del Sur.
Natunton ng 65th Infantry Battalion ng Philippine Army ang pansamantalang hideout ng mga miyembro ng NPA sa Barangay Pigsagan matapos na maganap ang isang engkuwentro noong Martes.
Ayon kay De Leon, inabangan nila ang mga rebelde sa kanilang tradisyonal na daanan sa Bukidnon, Iligan, Misamis Oriental at sa hinterland ng Cagayan de Oro kung saan nakasagupa ng mga rebelde ang 65th IB.
Narekober mula sa kuta ng mga rebelde ang ilang mga gamit kasama na ang isang bomba. VERLIN RUIZ
Comments are closed.