QUEZON CITY – PINAG-AARALAN na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagkakaroon ng kanilang tanggapan sa labas ng bansa para mapalapit at mapadali ang serbisyo sa 2.3 milyong overseas Filipino workers (OFWs) na nakakalat sa iba’t ibang bansa.
Sa pulong balitaan na ginanap sa lungsod na ito, sinabi ni PhilHealth CEO and President Ret. Gen. Ricardo Morales, posibleng ilagay nila ang kanilang satellite office of collecting agency sa Middle East na may pinakamaraming OFW.
Sa datos, sa 2.3 milyon, nasa 980,000 OFWs ang nasa Middle East.
Gayunman, paglilinaw ni Morales na bago nila maisakatuparan ang plano ay makikipag-ugnayan muna sila sa Philippine Overseas Employment Administration at Overseas Workers Welfare Administation.
Samantala, kabilang din sa pinag-aaralan ng PhilHealth ay ang pagtataas ng premium ng mga member at kasama roon ang OFWs.EUNICE C.
Comments are closed.