MAKIKI-PARTNER ang Commission on Elections (Comelec) sa Robinsons malls para sa pagtatayo ng mga satellite voter registration sites upang mas marami pang botante ang makapagpatala at makaboto para sa national and local elections na nakatakdang idaos sa Mayo 9, 2022.
Lalagda ang Comelec ng memorandum of agreement (MOA) sa Robinsons Land Corporation sa Hulyo 12 para makapagtayo ng satellite voter registration booths sa ilang piling Robinsons malls sa bansa.
“Our aim is to give the public an accessible and efficient registration experience and provide alternative satellite registration sites by opening registration booths in malls,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez.
“We are glad to once again partner with Robinsons Land Corporation in delivering effective public service ahead of the 2022 National and Local Elections,” dagdag pa niya.
Nabatid na ang mga voter registration booths ay matatagpuan sa Robinsons malls sa Metro Manila, Central Luzon, North Luzon, South Luzon, Central Visayas, Western Visayas, Eastern Visayas at Mindanao.
Ayon kay Jimenez, sa sandaling natukoy na ang mga malls at naisapinal ang mga iskedyul ng pagpapatala roon ay maaari nang magsumite ang mga registrant ng forms at documentary requirements at makuhanan ng biometrics data sa satellite registration booths.
Aniya, tatanggap lamang ng limitadong bilang ng aplikante ang mga naturang registration sites dahil na rin sa limitadong mall hours.
Tanging ang mga aplikasyon lamang aniya mula sa mga residente ng mga lokalidad at mula sa mga magta-transfer ng kanilang registration sa mga lokalidad ang ia-accommodate.
Sinabi ni Jimenez na ilalabas nila ang pinal na listahan ng mga mall registration schedule sa sandaling available na ito.
Gayunman, maaari ring direktang kontakin ng publiko ang kanilang local Comelec office hinggil sa iskedyul sa kanilang lungsod o munisipalidad.
Ang mga registrant naman na may QR code mula sa mobile application ay ie-entertain kung ang kanilang lokalidad kung saan naroroon ang mall ay kabilang sa mga pilot areas para sa mobile app.
Nabatid na ang Comelec ay mayroon na ngayong 18,945 satellite registration offices para sa 2022 elections, ngunit mas mababa ito sa 52,482 registration offices na itinayo nila noong 2019, dahil na rin sa kasalukuyang COVID-19 pandemic. ANA ROSARIO HERNANDEZ
290106 914392I think one of your commercials caused my web browser to resize, you may well want to put that on your blacklist. 276317
41482 963296An intriguing discussion is worth comment. Im sure which you merely write regarding this subject, may possibly possibly not be considered a taboo subject but typically persons are too small to communicate on such topics. To another. Cheers 970816