SATURDAY MAKE-UP CLASSES

MAGKAKAROON ng Saturday Make-up Classes sa mga lugar na maantala ang pagsisimula ng klase dulot ng habagat at bagyong Carina.

Sa pagbubukas ng klase ngayon, marami ang ipagpapaliban ang pasukan dahil ginamit na evacuation centers ang klasrum.

Sa Mandaluyong City, 24 public schools mula sa elementary, integrated at secondary ang siguradong magbubukas ng klase bukas.

Samantalang sa Pasig City, 44 public schools ang hindi pa handa sa pagbubukas ng klase.

Sa Quezon City, 11 public schools sa kabuuang bilang na 95 sa elementary at 4 lamang sa 63 public schools sa secondary ang hindi makakapagsimula bukas. Ang ibang public schools ay sa August 1 at ang iba ay sa August 5.

Sa mga ginawang evacuation centers, magsisimula sa August 1 ang mga sumusunod na elementary schools sa Quezon City: Sto. Cristo ES, Balumbato ES, Cong Reynaldo Calalay ES, Sinagtala ES, San Francisco ES, Dalupan ES, Diosdado P. Macapagal ES, at Rosa L. Susano ES; sa Secondary: Josefina Jara Martinez HS at Sta. Lucia HS.

Sa mga naapektuhan ng matindi, ang mga sumusunod na iskwelahan ay sa August 5 pa magsisimula ng klase, sa elementary: Betty Go Belmonte ES at Madambong ES; sa Secondary: Masambong HS at Sergio Osmeña Sr. HS.

Ang ilan sa mga guro ay maghahanda ng mga contingency measure na isusumite sa Division Office ng Quezon City..

Bibigyan ng konsiderasyon ang mga guro at mag-aaral na naapektuhan ng bagyong Carina.

RIZA ZUNIGA