SAUDI ARABIA PAYAG NA SA TOURIST E-VISA

SAUDI ARABIA

PUMAYAG  na ang Saudi Arabia sa unang pagkakataon  na pagkalooban ng tourist e-visa ang  mga nais pumunta sa naturang bansa.

Ayon sa Ministry of Interior sa lugar, kasama sa maaaring pagkalooban ang mga mamamayan ng Filipinas, Amerika, at mga bansa sa Europa.

Tanging business o work visa lang ang pinapayagan sa Saudi Arabia, at mga Hajj at Umrah visa para sa mga nagpi-pilgrimage sa lugar.

Sa kabila nito, naglabas ng alituntunin ang Saudi Ministry of Interior sa dapat na maging asal ng mga turista sa  kanilang lugar.

Papatawan ng parusa  ang mga lalabag sa  19 batas kabilang dito ang pagkakalat, maigsing pananamit, hindi pagtatakip sa balikat at tuhod, public display of affection, hindi karespe-respetong lengguwahe, pagkuha ng mga retrato o video nang walang pahintulot sa mga taong makukunan ng camera.

Umaabot sa  P13,700 o 1,000 Saudi riyal  ang parusa sa mga nabanggit na paglabag.

Nasa P27,000  o 2000 Saudi riyal naman  ang multa sa mahuhuli na kumukuha ng litrato o video sa mga insidente gaya ng aksidente o krimen.

Comments are closed.