SAUSAGE AND SCRAMBLED EGG BREAKFAST WRAPS

SAUSAGE AND SCRAMBLED EGG

IHAHANDA sa agahan na magugustuhan ng buong pamilya, iyan ang isa sa pinoproblema ng bawat Nanay. Paano nga naman, paulit-ulit na lang ang mga inihahanda sa agahan. Nariyan ang itlog, hotdog, sausage, longganisa at bacon. Puro prito. Napaka-dry tingnan. Wala nga namang kabuhay-buhay ang hitsura. Nakawawala rin ng gana kung minsan.

talagang nakawawalang gana. Kaya naman, narito ang isang breakfast wraps na swak na swak sa buong pamilya. Bukod sa iba ang presentasyon nito, hindi ka rin mamomroblema sa mga sangkap na iyong gagamitin dahil kung ano iyong kadalasang iniha-handa ninyo sa agahan, iyon din ang gagamitin natin sa paggawa ng Breakfast Wraps. Kumbaga, ile-level up natin ang sarap ng simpleng agahan nang ganahan ang ating pamilya. Kaya naman, simulan na nating magluto. Ang breakfast wraps na gagawin natin ngayon ay ang sausage and scrambled egg breakfast. Ang mga sangkap na kakailanganin natin sa paggawa nito ay ang kamatis, itlog, sausage, bell pepper, onions, cheese at ang tortilla wraps.

Paraan ng pagluluto:

Ihanda ang mga kakailanganing sangkap. Pagkuwa’y batihin ang itlog sa isang malinis at may kalakihang lalagyan. Magsalang ng kawali, lagyan ng mantika at saka lutuin ang binating itlog. Kapag naluto na, hiwa-hiwain na ito ng maliliit.

Sa isa pang lalagyan, pagsamahin naman ang nilutong itlog na hiniwa-hiwa ng maliliit na piraso, kamatis, sibuyas, bell pepper, sau-sage at cheese na hiniwa-hiwa rin ng maliliit. Kapag nahalo nang mabuti, kumuha na ng tortilla at saka ilagay ang pinaghalong sang-kap. Katamtamang dami lang ang ilagay. Balutin. Siguraduhing maayos ang pagkakabalot nito at hindi naglalaglagan. Pagkuwa’y ilagay sa oven sa loob ng 30 segundo, o hanggang sa uminit at matunaw ang cheese.

Ganoon lang kasimple, may masarap ka nang agahang maihahanda sa iyong pamilya. Kung ayaw n’yo naman ng sausage, puwede ninyong gamitin o ipampalit ang bacon. Depende sa magugustuhan ng inyong pamilya. CS SALUD

(photos mula sa google)

One thought on “SAUSAGE AND SCRAMBLED EGG BREAKFAST WRAPS”

Comments are closed.