CAVITE- GULANTANG ang isang magbababoy nang makita nito ang isang sawa loob mismo ng kanyang kusina nitong Sabado ng umaga sa Rosario sa lalawigang ito.
Ayon kay Ruben Torres, 51-anyos ng Brgy. Ligtong 3, Rosario, Cavite na kagigising lang diumano niya nang bumungad ang ahas na gumagapang sa kanilang kusina.
Agad niya itong hinuli sa pag-aalalang baka gumapang pa ang naturang ahas sa kanilang kuwarto na kung saan ay natutulog pa ang kanyang mga anak.
Agad ipinaalam at ibinigay ni Torres ang naturang ahas sa pamunuan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).
Ayon kay Engr. Marconi Austria, MENRO Officer, ang ahas na nahuli ay isang python na may na may haba na 4.6 ft.
Ito ang unang sawang nahuli ngayong taong 2023 na naitala sa MENRO ng bayang ito. SID SAMANIEGO