SAYA AT PAGIGING POSITIBO NAIDUDULOT NG PINTEREST

PINTEREST

(ni CS SALUD)

NAPAKARAMI na nga namang platform sa panahon ngayon na nagdudulot ng saya, pagiging positibo at empo­wered ang kahit na sino. At isa nga sa kinahihiligang platform ng marami sa atin ang Pinterest.

Sa ngayon, mahigit na 300 million people ang bumibisita sa nasabing platform every month. Ang Pinterest ay isang visual discovery engine na tumutulong upang makadiskubre ng bagong ideya—mula sa kung ano ang puwedeng ihanda at lutuin sa dinner, sa kung paano pagagandahin ang tahanan hanggang sa kung anong produkto ang swak bilhin o kung saan mainam magtungo sa darating na holiday.

Sa mahigit na 200 billion pin na naka-save, nagbibigay ng billions of personalized recommendations kada araw ang Pinterest. Isa rin ang APAC sa maituturing na fastest growing regions for Pinterest. Millions of people ang gumagamit ng nasabing platform kada buwan, na tumataas ng 50 porsiyento sa nagdaang taon (June 2018 to June 2019) at sa Filipinas, mahigit na 815k na ideas ang nase-save bawat araw.

Gumawa ng survey ang TalkShoppe at tinanong ang mahigit na 2,000 Pinners tungkol sa attitudes around Pinterest at ang mga nakuhang sagot ay ang mga sumusunod:

Mahigit na 91 porsiyento ng users ang nagsabing positive place ang Pinetrest. More than 9 out of 10 users naman ang nagsabing ang Pinterest ay nakapagpapa-inspire sa kanila, nagbibigay ng ideas sa kanilang buhay at tumutulong upang ma-achieve ang kanilang goals.

Eighty nine percent naman ng users ang nagsabing: Pinterest leaves them feeling empowered.

Tiwala sa sarili ang naibibigay ng Pinterest, iyan naman ang sinabi ng 83 porsiyento ng users.

Ayon din sa ibang Pinners, nakapagdudulot ito ng masayang pakiramdam, pagiging positibo at empowered ang nasabing plata-porma.

Sa Pinterest, may motorcyclists looking for motivation (“motorcycle quotes inspiration” searches are up +123%), business owners growing their businesses (“entrepreneur inspiration motivation” +47%, “branding inspiration” +231%), at women planning to propose (“women proposing to men” ideas +334%).

Comments are closed.