Kaye Nebre Martin
BAGO natin siya husgahan, kilalanin muna natin si Salome. Siya ay anak nina Herodes Felipe at Herodias. Lolo niya si Haring Herodes, na nagpapatay sa mga batang lalaking edad 2 pababa nang isilang si Jesus sa isang sabsaban sa Betlehem.
Apo rin ni Herodes ang kanyang inang si Herodias. Noong panahong iyon, karaniwan nang ipinakakasal ang mga prinsipe at prinsesa sa kanilang mga pinsan o kapatid. Magkapatid sina Herodes Antipas at Herodes Felipe, pero kay Herodes Felipe ipinakasal si Herodias. Gayunman, si Herodes Antipas ang talagang gusto ni Herodias dahil siya ang magiging Hari.
Kapapagdalaga pa lamang ni Salome nang siya ay sumayaw. Halos 14 anyos lamang siya, at inihahanda sa pag-aasawa.
Gusto nang makipaghiwalay ni Herodias kay Felipe. Natalino siyang babae at gagawin niya ang lahat para masunod ang kanyang gusto. Gusto niya si Herodes, kaya kahit buhay pa si Felipe ay nakipagrelasyon siya dito, bagay na binatikos ni San Juan Bautista. Natural lamang na maging protective si Salome sa kanyang ina, lalo pa at napakabata pa niya.
Alam ni Herodias na attracted si Antipas sa nagdadalaga niyang anak kaya ginamit niya ito para sa kanyang advantage. Kinausap niya si Salome at inutusang sumayaw sa kaarawan ni Antipas. Bilang pabuya, hihilingin niya ang ulo ni San Juan.
Sumayaw nga siya sa bangkete at hiniling ang ulo ni San Juan Bautista bilang pabuya. Ibinigay ni Herodes Antipas ang kanyang kahilingan. Namatay si San Juan, at ang naging kontrabida ay sina Herodias at Salome, hindi si Herodes Antipas.
Nababanggit man si Salome sa Biblia, siya ay isa lamang historical character na anak ni Herodias at step-daughter ni Herodes Antipas, ang hari ng Galilea sa Palestina. Pinaniniwalaang nabuhay siya sa pagitan ng AD 14 hanggang AD 62.
Sinasabing hindi kagustuhan ni Salome ang pagkamatay ni San Juan. Sa katotohanan, crush umano si Salome si Juan at hindi niya alam na totoong ulo ni Juan ang kanyang magiging pabuya sa pagsasayaw.
Gusto ni Salome si John the Baptist dahil napakaganda ng maputi nitong katawan, itim na buhok at mapupulang labi na hindi karaniwan sa mga kalalakihan sa Galilea.
Masasabing si Salome ay isang archetypical monster sa Kristiyanismo. Inakit niya si Herodes, si Juan mismo at lahat ng nasa paligid niya at itinulak sila sa sukdulang limitasyon ng pagiging disente. At si Juan, dahil kay Salome, siya ay pinatay na parang isang karaniwang bandido ng ilang kawal sa utos ni Herodes.