SULU – ISANG miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napaslang ng militar habang isang babaeng terorista ang nadakip kasunod ng engkuwentro sa Talipao.
Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command (WestMinCom) tumagal ng 20 minuto ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at tinatayang 30 miyembro ng bandidong grupo.
Nadiskubbre ang bangkay ng terorista ayon kay Encinas sa clearing operation ng mga tauhan ng 2nd Special Forces Battalion sa encounter site matapos ang sagupaan.
Samantala, isang babaeng miyembro rin ng Abu Sayyaf ang nadakip.
Kinilala itong si Nursaina Jarad Sahi na nagtamo ng shrapnel wounds bunsod ng engkuwentro.
Dinala siya sa Camp Bautista Station Hospital para malapatan ng lunas.
Ayon kay Encinas, nakumpiska ng mga sundalo ang isang M16 rifle, M203 grenade launcher at Galil rifle.
Inihayag naman ni Joint Task Force Sulu Commander Maj. Gen. Corleto Vinluan, Jr. na naglunsad ng tactical offensive ang kanyang mga tauhan makaraang makasagupa nila ang mga bandido sa Sitio Kan Pataw, Barangay Upper Sinuman. VERLIN RUIZ
Comments are closed.