SAYYAF DUMAYO SA METRO ARESTADO

Abu Sayyaf

MAYNILA – NADAKIP ng Philippine National Police (PNP) ang isang miyembro ng Abu Sayyaf na sangkot sa 2001 Kidapawan bombing at pagdukot ilang taon na ang nakararaan nang matiyempuhan sa Malate, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Daiyung Abdurahman alyas Biznar Salabudin, sinasabing sangkot sa  pagpapasabog sa Kidapawan Bus terminal noong taong 2012 gayundin sa pagdukot sa 15 empleyado ng Golden Harvest plantation noong 2001.

Iniharap sa media ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang suspek na may kasong kidnapping at serious illegal detention.

Samantala,  sa kabila ng pagkakadakip sa naturang Abu Sayyaf member sa Maynila, nilinaw ni PNP-National Capital Region Police Office chief Director Guil­lermo Eleazar  na walang banta ng terorismo sa Metro Manila.

Ayon kay Eleazar kasalukuyan pa nilang inaalam ang dahilan ng suspek sa pananatili sa Maynila na nagtatrabaho bilang isang welder. VERLIN RUIZ

Comments are closed.