SAYYAF NADALE NG ARMY

patay

SULU- ISANG kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay  ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Indanan.

Sa ulat ni AFP- Western Mindanao Command nasa combat patrol operation ang Philippine Army’s 41st Infantry Battalion nang makasagupa ang mga bandido alas-7:30 ng umaga.

Ayon kay Maj. Gen. Corleto Vinluan, commander ng Joint Task Force Sulu, na-rekober nila ang isang M16 rifle na mayroong nakakabit na M203.

Isang sundalo naman ang bahagyang nasugatan sa engkuwentro. VERLIN RUIZ

3 thoughts on “SAYYAF NADALE NG ARMY”

Comments are closed.