SAYYAF SUB-LEADER, 3 PA NALAGAS SA GOV’T TROOPS

SULU-APAT na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) kasama ang kapatid ni bomb expert Mundi Sawadjaan ang nasawi sa sanib-puwersa ng militar at pulisya sa Jolo, kahapon, Hunyo 13.

Kinilala ang mga nasawi na sina Injam Yaddar at misis na si Jhing; Al-Al Sawadjaan at isang alyas Rauf.
Si Al-Al ay kapatid ni Mundi na responsable sa pambobomba sa Cathedral sa Jolo, Sulu habang ang mag-asawang Yaddar ay pawang may warrant of arrest din.

Batay sa ulat ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region kay PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar, ang Special Action Force katuwang ang dalawang teams mula sa 74SAC-74SAC bilang Tactical Effort; teams ng 71SAC, 73SAC, 75SAC bilang Quick Reactionary Force (QRF), at 7SAB kasama ang CIDG Sulu PFU 9 at 3LRC,LRR, PA; 35 Infantry Battalion, 11ID, PA RIU 9, Sulu PPO, PIU Sulu, 1st at 2nd PMFC, Jolo MPS, PECU- SULU, RMFB ay nagsagawa ng Counter Terrorism Operation at pag-aresto sana sa mag-asawang Yadda na bandang huli ay nauwi sa sagupaan at ikinasawi ng apat na terorista sa Upper Alat, Brgy. Alat.

Nakuha sa encounter site ang dalawang armas, mga bala, sangkap sa paggawa ng bomba, cellphone at motorsiklo. EUNICE CELARIO

23 thoughts on “SAYYAF SUB-LEADER, 3 PA NALAGAS SA GOV’T TROOPS”

  1. 392799 67551Admiring the time and energy you put into your weblog and in depth data you offer. Its excellent to come across a blog every once in a even though that isnt the same old rehashed material. Amazing read! Ive bookmarked your site and Im adding your RSS feeds to my Google account. 754460

Comments are closed.