SAYYAF TIKLO KAHIT UMIIRAL ANG ECQ

arestado

ZAMBOANGA CITY -SA KABILA na may umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) tuloy ang law enforcement operation ng Philippine National Police  (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa Sitio Palo-Palo, Brgy. Muti, Zamboanga City nahuli ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Kinilala ang ASG member na si Barri Happil, 40-anyos, na may kinakaharap na warrant of arrest dahil sa kasong illegal possession of explosive.

Si Happil ay tauhan ni ASG subleader Marzan Ajijul.

Sa ulat ng CIDG, naaresto ang ASG member sa isinagawang manhunt operation ng pulisya at militar sa Brgy. Muti, Zamboanga City.

Sa ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya ng CIDG Region 9 ang nahuling abu sayyaf group member.

REA SARMIENTO

One thought on “SAYYAF TIKLO KAHIT UMIIRAL ANG ECQ”

  1. 458994 800353This sort of considering develop change in an individuals llife, building our Chicago Pounds reduction going on a diet model are a wide actions toward making the fact goal in mind. lose weight 161056

Comments are closed.