SBMA CHAIRMAN, 15 IBA PA ABSUWELTO SA KASONG GRAFT

OLONGAPO CITY – INABSUWELTO ng Sandiganbayan si SBMA Chairman Rolen C. Paulino, dating Olongapo City mayor at ang 15 iba pa kaugnay sa kasong graft may ilang taon na ang nakalipas.

Sa ipinalabas na resolusyon na may petsang Oktubre 24, 2022 ni Associate Justice Maria Theresa Dolores C. Mendoza-Arcega kung saan kinatigan naman nina Chairperson Rafael R. Lagos at Associate Justice Maryann E. Corpus-Manalac ay inabsuwelto ang mga akusado.

Nakasaad sa resolution ng Anti-Graft Court 5th Division na isinisi sa prosecution ang “delayed filing of the case laban kay Paulino at ang 15 iba pa kung saan ay nilabag nito ang “right to speedy disposition of cases”.

“Certainly, the length of delay or more than four years in completing the present information and the failure of the prosecution to present justifiable reasons of such delay, this court rules that all of herein accused right to speedy disposition of cases had been violated” nakasaad sa desisyon ng Sandiganbayan.

Magugunita na kinasuhan si SBMA Chairman Paulino ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corruot Oractuces Act kaugnay sa iregularidad sa lease agreement ng Olongapo City Civic Center sa SM Prime Holdings, Inc. noong 2014 hanggang 2015.

Kabilang din sa kinasuhan ay sina Vice Mayor Aquilino Cortez Jr., mga Councilor Elena Calma Dabu, Benjamin Cajudo II, Eduardo Guerrero, Noel Atienza, Alruela Bundang-Ortiz, Edna Elane, Emerito Bacay, Randy Sionzon, at si Councilor Egmidio Gonzales Jr.

Maging ang iba pang opisyal ng nasabing lungsod at miyembro ng Special Bids and Awards Committee (SBAC) na nakasama sa nasabing kasong graft ay pinawalang-sala ng Sandiganbayan. MHAR BASCO