MAGIGING panauhin ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa unang virtual session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum para sa second half ng 2022 ngayong Martes.
Bibisita para katawanin ang national basketball federation sa 10 a.m. public sports program si executive director Sonny Barrios.
Ang SBP ay kasalukuyang abala sa paghahanda sa Gilas men’s basketball team para World Cup qualifiers at sa FIBA Asia Cup, gayundin sa U-16 national team na tutungo sa Qatar para sa FIBA U-16 Asian Championship.
Abala rin ang federation sa paghahanda para sa co-hosting ng bansa sa 2023 FIBA World Cup.
Ang weekly Forum ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, Amelie Hotel Manila, Unilever, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ang session ay ila-livestream via PSA Facebook page Philippine Sportswriters Association at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na ibinabahagi rin ito sa kanilang Facebook page.