ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals (CA) Associate Justice Jhosep Lopez bilang Supreme Court Associate Justice.
Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque ang appointment ni Lopez sa isang press briefing.
“Kinukumpirma ko po na ang dating CA Justice Jhosep Lopez ay naitalaga na po bilang Associate Justice ng Korte Suprema (I confirm that former CA Justice Jhosep Lopez was appointed as Associate Justice of the Supreme Court),” ayon kay Roque.
Ayon kay Roque ang appointment paper ni Lopez ay nilagdaan ng Pangulo noong Enero 25, 2021.
“Inaasahan ng Pangulo na paiiralin ni Justice Lopez ang judicial independence at rule of law at ipagpapatuloy niya ang mga reporma sa ating court processes” dagdag pa ni Roque.
Pinunan ni Lopez ang binakanteng posisyon ni Associate Justice Priscilla Baltazar Padilla, na nag-early retirement sa edad na 62 noong isang taon walong taon bago ang mandatory retirement age para justices at judges.
Nagsilbi si Lopez bilang chief prosecutor ng Maynilla mula 2006 hanggang sa mahirang bilang mahistrado ng Couet of Appeals noong 2012.
Si Lopez ay naging konsehal ng 3rd District ng lungsod mula 1992 hanggang 1998 at mula 2001 hanggang 2006.
Nagtapos si Lopez ng abogasya sa University of the Philippines at miyembro Sigma Rho Fraternity ng nabanggit na unibersidad. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.