MAHIGPIT ang isasagawang imbestigasyon ng Korte Suprema sa mga hukom na dawit sa operasyon ng ilegal na droga.
Tiniyak ito ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin kaya’t hindi nila mamadaliin ang imbestigasyon sa usapin at magiging confidential din ang proseso nito.
Ayon kay Bersamin, hindi naman maaaring basta-basta kondenahin ng High Tribunal ang mga nasabing mahistrado nang walang sapat na basehan.
Una nang itinalaga ni Bersamin si Associate Justice Diosdado Peralta para makipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).DWIZ882
Comments are closed.