SCAM SA TAX CLEARANCE

SCAM-2

PINAG-IINGAT ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang publiko laban sa isang scam kung saan ginagamit ang pekeng tax clearance certificates upang makapangikil sa mga naghihintay ng shipments mula sa ibang bansa.

Sa isang advisory na ipinalabas noong Mayo 6, sinabi ni Internal Revenue Commissioner Caesar R. Dulay na nadiskubre ng ahensiya ang paglaganap ng nasabing counterfeit tax clearances, na gina­gamit ng mga walang konsensiyang indibidwal para lokohin ang mga importer at iba pang tumatanggap ng shipment sa labas ng bansa.

“The modus operandi starts upon receipt of an e-mail by prospective victims informing them that their parcel has already reached the Philippine transit port and that the same is on hold awaiting for the payment of some airport taxes. Per e-mail, payment should be made only to the said courier who undertakes to deliver the parcel to the victim’s doorstep within the day,” wika ni Dulay.

“However, after the victim has paid the required amount of the alleged airport taxes, the latter will again receive an e-mail accusing him of money laundering and that the alleged ‘surveillance department’ of the BIR has placed on hold their consignment pending payment of a certain amount representing 12 percent of the Philippines’ official tax ratio of the total fund detected by the alleged ‘Ultra-sensitive Scan report,’” dagdag pa ni Dulay.

Napag-alaman na isa pang e-mail ang ipadadala sa biktima, na naglalaman ng pekeng BIR tax clearance na humihingi ng kabayaran.

Binigyang-diin ng BIR chief na ang nasabing e-mails ay isang scam dahil hindi, aniya,  nag-iisyu ang ahensiya ng tax clearance na nag-aatas sa mga  taxpayer na bayaran ang 12 percent ng Philippines’ official tax ratio ng total fund na nakita sa umano’y ‘Ultra-sensitive Scan report.’

Upang maberipika ang authenticity ng tax clearances, sinabi ni Dulay na dapat bisitahin ng mga taxpayer ang website ng BIR: www.bir.gov.ph/index.ph/tax-clearance/released-tax-clearance.html.

Comments are closed.