SCARF: PANDAGDAG NG GANDA SA OUTFIT

SCARF-2

(ni CS SALUD)

KUNG mayroon mang isang bagay o accessory na puwede nating gamitin na makadaragdag ng ganda sa ating outfit, iyan ang scarf. Babae man o lalaki ay maaaring gumamit nito. Swak din ito sa kahit na anong panahon.

Napakarami na ring klase, kulay at style ng scarf na maaaring pagpilian. May mga abot-kaya lang din sa bulsa.

Bukod din sa mayroong klase-klaseng  kulay at design ang scarf, maari rin itong suotin o gamitin sa iba’t ibang paraan. Narito ang ilang pa­raan kung paano susuotin o gagamitin ang scarf nang mas lalong gumanda ang isang outfit:

SCARF WITH A BELT

Wala nga namang kahirap-hirap ang paggamit ng scarf upang gumanda pang lalo ang ating kabuuan. Ngunit kung nais mong makatawag ng atensiyon, huwag mo lang itong i-wrap sa leeg dahil madalas na itong ginagawa at nakikita natin ito sa marami.

Ang magandang gawin, magsuot ng monochromatic outfit. Pagkatapos ay hayaan lang na nakapatong sa leeg ang scarf. At para sa mas magandang look, magsuot sa skinny belt.

SCARF WITH A JACKET

Swak na swak din naman ang magsuot ng scarf at jacket lalo na kung malamig ang panahon. Mainam nga namang magsuot ng mga damit o outfit na makapagpapainit sa ating katawan.

Kung magsusuot ng jacket at daragdagan ng scarf, oversize na scarf ang piliin.

OVER THE SHOULDERS

Kung malaki naman ang scarf o blanket scarf, swak namang design ay ang over the shoulders. Kumbaga, ibabalot mo lang ang scarf sa iyong bali-kat. At para ma-secure ang dulo o hindi ito gumalaw, maglagay ng belt sa ibabaw ng scarf.

SCARF AROUND YOUR HEAD

Isa pa sa cute style ay ang scarf around your head. Simple lang itong gawin dahil kailangan mo lang i-bun ang buhok o topknot. Pagkatapos ay i-roll ang scarf ng pa-dia­gonal. Itali lang ang bawat dulo sa front ng ulo.

Simple lang ang style na ito.

Ilan lamang ang mga nabanggit na maaaring gawin sa scarf. Kaya naman, subukan na. (photos mula sa verilymag.com, garmany.com)

Comments are closed.