ANG “lupus” ay isang lifelong illness kung saan inaatake ng immune system ang sariling katawan, gayundin ang body’s organs. Ang nasabing sakit ay nakaaapekto sa kahit na anong bahagi ng katawan. Ilan sa sintomas nito ang scarring, destruction, joint pains at deterioration ng vital functions.
Mahigit na 5 milyong tao sa mundo ang mayroong lupus, ngunit dahil ang sintomas nito ay gaya rin ng ibang sakit, nagkakaroon ng “extreme lack of awareness and understanding” sa kondisyon. Sa kawalan ng kaalaman, nagiging dahilan ito ng misdiagnose at unnecessary deaths, na puwede naman sanang maiwasan.
Dahil dito, ang Hope for Lupus Foundation, Inc. ay itinayo noong 2016 upang magbahagi o magbigay ng higit na kaalaman sa kondisyon. Isa itong non-profit organization na naglalayong i-promote ang early detection at proper treatment ng lupus sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kaalaman tungkol sa misteryosong sakit. Naghahandog din ito ng much-needed social support sa mga pasyente at maging sa pamilyang naapektuhan ng sakit.
Sa pakikipagtulungan ng 4 multi-awarded at acclaimed photographers—Jose Antonio T. Aliling, Bien S. Bautista, Josefino Mario De Guzman, at Maria Victoria Manotok Arroyo –ang Hope for Lupus Foundation ay maghahandog ng, “Scarred but not Scared,” na isang photography exhibit na nagnanais na maipakita ang sulyap ng pinagdaraanan ng mga taong nakikipaglaban sa nasabing sakit at patuloy na nag-aasam ng kapanalunan sa kabila ng mga sintomas na kanilang kinahaharap.
Ang nasabing exhibit ay isa ring tribute sa mga kaibigan, kamag-anak at pasyenteng patuloy na lumalaban at maging sa mga pumanaw na.
Sa mga gustong mas maintindihan ito, sana ay ito ang maging simula upang maliwanagan ang bawat isa sa atin. Para naman sa mga taong pumapasan sa hirap ng nasabing kondisyon, sana rin ay maging daan ito upang lalo kayong magkaroon ng pag-asa sa kabila ng kalbaryong inyong kinahaharap. “There is always a smile that shines from within.”
Ang ‘Scarred but not Scared’ awareness exhibition ay gaganapin sa 2nd floor Exhibit Hall, Greenbelt 5, Makati City. Magsisimula ito ngayong araw, Oktubre 13, 2018 at tatagal hanggang Oktubre 20 ngayong taon.
Comments are closed.