SCHOLARSHIP PROGRAM NG CHED ‘DI APEKTADO NG REENACTED BUDGET

Prospero De Vera III

SINIGURO  ni  Commission on Higher Education (CHED) na hindi makaaapekto ang reenacted budget sa mga college students na nakikinabang sa scholarship programs ng pamahalaan.

Nilinaw ni CHED Chairman Prospero De Vera III, ang free tuition at stipends ng 300,000 government scholars ay hindi apektado ng binagong national budget.

Magugunitang nagtakda ang CHED ng P16 billion tertiary education subsidy para sa taong 2018 habang P40 bilyon naman para sa taong kasalukuyan.

Comments are closed.