SUSPENDIDO kahapon ang klase sa lahat ng antas sa buong Albay bunsod ng pananalasa ng bagyong Ineng.
Sa advisory ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), inaasahan ang katamtaman hanggang sa minsang malalakas na pag-ulan sa Bicol region.
Sakop ng naturang class suspension ang pampubliko at pribadong eskuwelahan sa lalawigan.
Samantala, pinag-ingat din sa paglalayag ang mga maliliit na sasakyang-pandagat dahil sa nakababalang gale warning sa eastern seaboard ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao kabilang na ang Camarines Provinces, Catanduanes, Eastern Coast ng Albay at Eastern Coast ng Sorsogon sa Bicol. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.