SCHOOL ELECTRIFICATION NG ONE MERALCO FOUNDATION, MALAKING TULONG NGAYONG PANDEMYA

Main Photo final

NGAYONG pandemya, isang matinding hamon para sa mga guro at mag-aaral sa mga malalayong paaralan sa bansa ang kawalan ng access sa kuryente.

Bago pa man dumating ang COVID-19, libu-libong pampublikong paaralan na sa bansa ang walang power supply. Karamihan sa kanila ay matatagpuan sa ilan sa mga pinakamalalayong isla at kabundukan sa bansa.

Isa na rito ang Corocawayan Elementary School sa isla ng Camandag, Sto. Nino, Samar.  Ang mismong isla ay dalawang oras kung babangkain mula sa mainland kaya naman hindi ito maabot ng serbisyo ng kuryente.

Ang mga residente rito ay umaasa lamang sa iilang kapitbahay o sa barangay na may sariling generator para kahit papaano ay magkaroon ng kuryente ang kanilang mga tahanan kahit sa loob lamang ng ilang oras bawat araw.

2nd Photo

Ngunit dahil hindi biro ang gastos ng pagpapatakbo ng generator, napipilitan ang mga ito na limitahan ang operasyon sa loob lamang ng apat hanggang limang oras bawat gabi. Dahil dito, walang kuryenteng nagagamit sa maghapon ang walong paaralan sa isla.

“Napakahirap talaga ng sitwasyon dito lalung-lalo na sa aming mga mag-aaral. Sa ibang lugar, bihasang bihasa na ang mga bata sa paggamit ng mga makabagong kaga­mitan sa pag-aaral tulad ng mga computer at internet. Ngunit dito sa amin, kahit kaming mga guro ay walang magawa kundi bumalik sa tradisyunal na paraan sa pagtuturo dahil walang kuryente,” saad ni Dennis Cubelo, principal ng Corocawayan Elementary School.

Bagama’t tubong Leyte, dating semina­rista sa Maynila si Cubelo. Matapos ang ilang taon sa seminaryo, napag-isip isip niyang tila ibang misyon ang kanyang nais tahakin. Kaya nagdesisyon siyang umalis sa pagpapari at mag-trabaho bilang isang guro.

“Sa totoo lang kaya ko naisipang mag-pari dahil gusto kong makatulong sa paghubog sa kinabukasan ng mga kabataan. Kaya noong lumabas ako sa seminaryo, naisip ko na magturo dahil ito ay malapit sa aking unang napiling bokasyon,” dagdag ng guro.

Matapos magturo sa isang pribadong institusyon sa Maynila, nagdesisyon ni Cubelo na bumalik sa probinsya dahil napagtanto niyang doon siya mas kailangan. Sa isla ng Camandag siya unang na-assign bilang guro hanggang sa siya ay umangat sa pagiging punong-guro.

Ayon kay Cubelo, bagama’t nakikita niya ang pagsisikap ng mga mag-aaral sa isla na umangat ang antas ng kanilang karunungan, batid niyang kailangan nilang humabol pagdating sa karanasan sa makabagong teknolohiya.

3rd Photo

Lalo pang naging matindi ang kanilang pagsubok nang pumasok ang COVID-19 pandemic.

Noong 2020, alang-alang sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral, nag-desisyon ang Department of Education (DepEd) na i-adopt ang “blended learning” kung saan ang mga mag-aaral ay magpapatuloy sa kanilang mga aralin sa bahay. Ang mga guro naman ay naatasang magdownload at magreproduce ng mga learning materials na ipamamahagi sa kanilang mga estudyante.

Bago mag-pasukan, hindi malaman ni Cubelo kung paano nila ipatutupad ang “blended learning” sa kanilang paaralan, lalo na’t wala silang kuryente at sapat na kagamitan tulad ng mga laptop at printer. Mahina rin ang internet connection sa isla.

Bago ang pandemya, kinailangan nilang tumawid ng dagat sa tuwing kailangan nilang gumamit ng computer o printer sa mainland at makapag-internet. Kung gagamit naman sila ng generator, halos dalawang libo bawat araw ang nagagastos nila dahil mahal ang upa nito at ang krudong kailangan para rito.

Kaya naman isang malaking biyaya para sa kanila ang pagdating ng donasyong solar photovoltaic (PV) system ng One Meralco Foundation (OMF) isang buwan bago ang pasukan.

Sa ilalim ng adbokasiyang School Electrification Program, kinabitan ng 1-kilowatt solar power equipment ng OMF ang Corocawayan Elementary School at ang iba pang mga paaralang walang kuryente sa bayan ng Sto. Nino, Samar at karatig na lalawigan ng Masbate.

Mula 2011, mahigit 260 paaralan na sa buong bansa ang napailawan ng OMF sa pamamagitan ng solar power. Kabilang sa mga nakinabang ang mga paaralan sa Calayan Island sa Luzon hanggang sa pinakadulong isla ng Tawi Tawi, Sitangkai Island, sa Mindanao.

4th Photo

Bukod sa solar PV system, binibigyan din ang bawat eskwelahan ng isang multimedia pac­kage na mula naman sa donasyon ng mga kawani ng Meralco, sa pamamagitan ng Meralco Employees Fund for Charity, Inc. (MEFCI).

Mula nang umpisahan ng OMF ang programa nito mahigit sampung taon na ang nakararaan, mahigit sa 80,000 mag-aaral na sa buong bansa ang nabiyayaan ng liwanag na hatid ng solar power. At dahil hindi nito kailangan ang gasolina o krudo, hindi ito nakasasama sa ating kalikasan at libreng nagagamit ng mga guro at mag-aaral ang kuryenteng hatid nito.

94 thoughts on “SCHOOL ELECTRIFICATION NG ONE MERALCO FOUNDATION, MALAKING TULONG NGAYONG PANDEMYA”

  1. Witajcie możesz mi mówić Dawid.Jestem radcąfinansowym i zrobiłem już wiele upadłości konsumenckich.Obecnie moim miejscem egzystencji jestsupernowoczesne miasto Malbork. Adwokat Rzeszów w Polsce- kiedyznowelizowane procedury mają zastosowanie.

  2. Hejka możesz mi mówić Franek.Jestem radcąfinansowym i uczyniłem już kilkanaście upadłości konsumenckich.W chwili obecnej moim miejscem przebywania jestfantastyczne miasto Zakopane. Adwokat Rzeszów w Polsce aprowadzenie prywatnej aktywności gospodarczej.

  3. Czecho podobnie jak wybitny reżyser nazywam się Maciej. Kredyty to rzecz nad którą pracuje w tej chwili. Na czas dzisiejszy moim miejscem zamieszkiwania jest bogate miasto Skawina. Kredyty w Polsce a uznanie czynności prawnej za nieważną w stosunku do kredytodawców.

  4. Cześć i czołem moi rodzice dali mi na chrzcie imię Marcel. Kredyty ze mnną to banał. Aktualnie moim miejscem zamieszkiwania jest przyjazne miasto Stargard Szczeciński. Kredyty w Polsce- nie musisz być biegły w regulacjach prawa.

  5. Siemuchno noszę imię Joachim. Kredyty to najsolidniejsze rozwiązanie dla użytkowników przekredytowanych. Na czas dzisiejszy moim miejscem zamieszkania jest supernowoczesne miasto Tychy. Kredyty w Polsce a kwestia skargi pauliańskiej.

  6. Witajcie noszę imię Kazek. Kredyty- powiem Ci jakie wytyczne musisz zrealizować. W tym momencie moim miejscem przebywania jest cudowne miasto Drawsko. Kredyty w Polsce- nasi rodacy pozbywają się kolosalnych długów.

  7. Jackets with dragon designs are a great way to add some edge to your wardrobe. Whether you’re looking for a subtle nod to the mythical creature or a bold statement piece, there’s a dragon jacket out there for you.

  8. Attractive section of content. I just stumbled upon your blog and in accession capital to assert that I get actually enjoyed account
    your blog posts. Anyway I’ll be subscribing to
    your feeds and even I achievement you access consistently fast.

  9. I’d like to be able to tag blogs I like and have them show on my website. Any suggestions on the best route to take on this. Any input would be helpful..

  10. you are in reality a excellent webmaster. The web site loading speed is amazing.
    It kind of feels that you’re doing any distinctive trick.
    In addition, The contents are masterwork. you have performed a excellent process on this subject!

Comments are closed.